Lalarga na ang malalaking pagbabago sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayong taon kung saan isasama na ang ‘first 1,000 days’ bilang bahagi ng programa.
Ito ang sinabi ni DSWD Spokesperson at Assistant Secretary Irene Dumlao matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang proposal.
Bilang bahagi ng bagong patakaran, ipinaliwanag ni Asec. Dumlao na magkakaroon ng karagdagang conditional cash grants ang 4Ps beneficiaries na may buntis o batang may edad zero hanggang dalawang taon.
Ipinunto ng opisyal na layunin ng mga hakbang na hindi lamang tugunan ang agarang pangangailangan ng mga benepisyaryo kundi bigyan din sila ng kakayahang mag-transition o mag-exit sa programa na may mas maayos na antas ng pamumuhay. – Sa panulat ni Laica Cuevas mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)