Dapat nang magpatupad ng curriculum overhaul ang Department of Education.
Ito ang panawagan ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means, matapos ang ulat ng World Bank na 80 percent ng mga Batang Filipino ang may problema sa reading at mathematical skills.
Ayon kay Salceda, hindi na akma sa makabagong panahon ang educational system ng bansa kaya’t dapat na magpatupad ng malaking pagbabago lalo’t may epekto ito sa ekonomiya.
Hindi anya katanggap-tanggap na “undernourished” ang mga mag-aaral, substandard ang learning materials, hindi praktikal ang curriculum, sobra sa trabaho ang mga guro at kulang sa equipment ang mga paaralan.
Ipinunto ng Dating National Economic and Development Authority Chief na kabilang ang mga nabanggit na problema sa reresolbahin ng kanyang panukalang Comprehensive Education Reform Agenda.
Sa ilalim nito, magpapatupad ng overhaul sa K-12 system at pagbabago sa technical at vocational skills bukod pa sa improvement ng school facilities. —sa panulat ni Drew Nacino