Tinututukan ng DOH ang pag revise sa face shield policy.
Ayon ito kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, matapos aprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng DOH technical advisory group na limitahan lamang sa high risk activities sa ilalim ng 3C’s o Closed, Crowded at Close Contact ang paggamit ng faceshields.
Una nang ipinag-utos noon ng Pangulo ang hindi na pagsusuot ng faceshield subalit nagbago ang isip matapos bumulaga ang Delta variant ng Coronavirus.