Nagpahayag ng suporta ang isang Infectious Disease Expert sa panukala ng Department of Health (DOH) na baguhin ang pagtukoy sa terminong “fully vaccinated” laban sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, hindi gagana ang herd immunity na target ng bansa kung ibabase lamang sa dalawang dose ng COVID-19 vaccine na kahulugan din ng fully vaccinated, dahil sa mga lumalabas na iba’t ibang variant at sub-variant ng virus.
Una nang ipinayo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag baguhin ang naturang kahulugan kung sino ang maaaring ituring na ganap na nabakunahan laban sa COVID-19 dahil magdudulot ito ng kalit