Nakatitiyak si Senate Finance Committee Chairman at Proposed National Budget Sponsor Sonny Angara na magkakaroon ng improvement sa Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng apat na buwan.
Ayon kay Angara, ang mga pagbabago sa loob ng BuCor ay ipatutupad sa loob ng apat na taon.
Sang-ayon din ang senador na kakayanin nang makita ang mga pagbabago sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.
Kasalukuyang balot ng kontrobersiya ang ahensya matapos mabunyag na taga-New Bilibid Prison (NBP) ang nasa likod ng pagpaslang sa beteranong broadcaster na si Percy Lapid. - sa panulat ni Hannah Oledan