Ipatutupad ng pamahalaan ang “barangay to barangay” at “house to house” na pagbabakuna kontra COVID-19 upang maabot ang milyun-milyong hindi pa bakunadong mga indibidwal.
Inihalimbawa ni Secretary Carlito Galvez, Jr., ang estratehiya ng General Santos City kung saan 26 na barangay dito ay may kanya-kanyang inoculation site bukod sa Mobile Vaccination Facility.
Ani Galvez, dapat mas tutukan ang mga barangay gayung kaunti lang ang mga pumupunta sa mga mall upang magpabakuna.
Sa ngayon, aabot pa lang sa 44.2 million ng 109 million nang populasyon ang fully vaccinated. —sa panulat ni Joana Luna