Sa gitna ng muling pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID-19, patuloy ang paalala ni Dr. Rontgene Solante, isang Infectious Disease Expert, sa publiko na sumunod sa health protocols.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Solante na sa tingin niya ay hindi na muling magpatutupad pa ng lockdowns laban sa nakakahawang sakit.
Kahapon nang makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 716 COVID cases, na pinaka-mataas na single-day tally simula noong Marso.
Sinabi pa ni Solante na prayoridad pa rin sa ngayon na maturukan ng unang booster shot ang general population.
Upang maging ”achievable” aniya ito ay dapat na tutukan pa rin ng susunod na administrasyon ang pagbabakuna kontra COVID-19.