Suspendido sa loob ng dalawang linggo ang pagtuturok ng bakunang likha ng Astrazeneca kontra COVID-19 sa Denmark dahil sa mga napauulat na pamumuo ng dugo sa mga nababakunahan nito.
Ayon kay Danish Health Authority Director , Soren Brostrom, isa na ang napaulat na nasawi matapos magkaroon ng pamumuo ng dugo nang mabakunahan.
Aniya, gumagawa na ng hakbang ang Danish Medicines Agency kaugnay sa mga napauulat na seryosong side effects ng naturang bakuna na mula sa bansang Denmark at ilang European countries.
Paliwanag naman ni Health Minister Magnus Heunicke, kinakailangang maimbestigahang mabuti ang naturang insidente dahil masyado pang maaga para sabihing may kaugnayan sa pagbabakuna ng Astrazeneca COVID-19 vaccine ang mga napaulat na pamumuo ng dugo at pagkamatay.
Kaugnay nito, ipinatigil rin ng bansang Austria ang pagtuturok ng nasabing bakuna habang iniimbestigahan ang mga insidente ng pagkamatay dahil sa pamumuo ng dugo at pulmonary embolism o pagbara ng namuong dugo sa isang sa mga arteries ng baga.— sa panulat ni Agustina Nolasco
Sundhedsmyndighederne har af forsigtighedshensyn sat vaccination med AstraZeneca i bero efter signal om en mulig alvorlig bivirkning i form af dødelige blodpropper. Det kan pt ikke konkluderes, om der er en sammenhæng. Vi handler tidligt, det skal undersøges grundigt #COVID19dk
— Magnus Heunicke (@Heunicke) March 11, 2021