Aarangkada na bukas, Hulyo 21 ang pagbabakuna gamit ang anti-COVID-19 na gawa ng Johnson & Johnson (J&J) sa lungsod ng San Juan.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nasa 2,800 mula sa kabuuang 1.6-M doses ng bakuna ang kanilang natanggap mula sa donasyon ng Amerika sa pamamagitan ng COVAX facility.
5 tao na aniya ang maaaring magsalo sa isang vial ng bakuna kung saan, tig 0.5 ml ang ituturok at isang beses lamang dapat tumanggap nito.
Dahil diyan, sinabi ni Zamora na aabot sa 600 ang tiyak na mapagsisilbihan ng bakuna mula sa J&J na hindi na rin nangangailangan ng ultralow freezer.
Tiwala si Zamora na malapit na nilang maabot ang herd immunity sa kanilang lungsod dahil posibleng maabot na nila ang target 70 porsyento ng populasyon ang bakunado na kontra sa virus. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)