Positibong tinanggap ng mga pediatric doctors sa bansa ang anunsyo ng Department Of Health (DOH) kung saan sakop na rin ng inisyung emergency use authoritzation para sa Pfizer COVID-19 vaccine ang mga nasa edad 12 pataas.
Batay sa inilabas na pahayag ng Philippine Pediatric Society at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines, ngayon na binigyan na nang otorisasyon ay maaari nang mabakunahan ang mga bata ngunit nananatili pa ring prayoridad ang mga nakakatanda.
Ayon kay Dr. Carmela Kasala, tagapagsalita ng Philippine Pediatric Society, bagama’t mas maraming nakatatanda ang naapektuhan ng COVID-19, mayroon ding mga batang dinadapuan ng naturang virus.
Maganda ring ideya aniya kung ire-require sa mga bata na mabakunahan kontra COVID-19 bago ang pagbabalik ng face-to-face classes.
Ngunit sa ngayon kasi, ang EUA na inisyu sa Pfizer ay sakop lamang ang edad dose pataas kaya’t pag-aaralan pa ang polisiya hinggil dito.