Iminungkahi ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Department of Health Technical Advisory Group, ang ilang mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng Omicron variant.
Ayon kay Salvana, mainam na paigtingin pa ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa bansa dahil epektibo pa rin ang mga bakuna upang maiwasan ang malalang infection.
Dapat rin aniyang magkaroon ng maayos na ventilation at epektibong border controls.
Pinayuhan rin ni Salvana ang publiko na sundin pa rin ang minimum public health standards.—sa panulat ni Hya Ludivico