Ligtas at epektibo para sa mga buntis at breastfeeding women ang pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Ito ang tiniyak ni Philippine Obstetrical and Gynecological Society (POGS) Doctor Sybil Lizanne Bravo kung saan sinabi niya na mild lamang ang kadalasang side effects nito tulad ng pagsakit sa bahagi ng tinurukan ng bakuna, pamumula, fatigue, muscle pain at lagnat na hindi nakakaapekto sa pagbubuntis.
Samantala, hinikayat ni bravo ang mga nasabing indibidwal na magpabakuna pagkatapos ng 14weeks dahil may limitadong datos sa kaligtasan ng mga bakuna sa unang trimester. —sa panulat ni Airiam Sancho