Siniguro ng Department of Health na patuloy pa rin ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa bansa.
Ito’y kahit natapos na ang State of Calamity noong Dis. 31, 2022.
Ayon kay Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nakasaad sa batas na may isang taon pang bisa ang Emergency Use Authority (EUA) ng mga bakuna.
Idadaan anya ngayon ng kagawaran sa karaniwang paraan ng pagbili ng mga bakuna.
Samantala, mayroon ng mahigit 17.4 milyon na bakuna sa bansa ang naka-imbak sa bodega kabilang dito ang 6M na naka-quarantine.
Patuloy na hinihikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna kontra Covid-19 para ligtas sa naturang virus. —sa panulat ni Jenn Patrolla