Iginiit ng Department of Health (DOH) na hindi mandatory ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga bata para makabalik sa paaralan.
Ito’y kasunod ng nakatakdang face-to-face classes sa mga paaralan sa buong bansa sa Setyembre.
Pinawi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pangamba ng mga magulang at nilinaw na hindi magiging kondisyon ang pagbabakuna sa mga bata.
Sa inilabas na datos ng DOH, nasa 3.7 million o 34% pa lang ng 5-11 years old ang nakatanggap ng primary series habang nasa 107% naman para sa age group na 12-17 years old.
Bunsod nito, maglatatag ang kagawaran ng vaccination site sa mga paaralan upang mailapit sa mga bata.