Pinatitiyak ni Albay 2nd District Representative Joey Salceda na mapapaigting ng pamahalaan ang pagbabakuna kontra tigdas o measles.
Kasabay ito ng babala na maaaring magdulot ng outbreak ng tigdas ang napipintong pagpapatupad ng 100% face-to-face classes sa Nobyembre.
Tinukoy pa ng kongresista na base sa datos ng Department of Health (DOH), 63% pa lang ng mga bata at mga sanggol ang bakunado laban sa measles mula sa target na 95%.
Mungkahi naman ng kongresista na samantalahin ang face-to-face classes para mapaigting ang bakunahan sa nasabing sakit at upang maipaliwanag sa mga magulang ang protesksyong dulot nito.
Dapat din aniyang palakasin pa ng DOH, Department of Education (DepEd), at mga lokal na pamahalaan ang kanilang ugnayan upang mas maraming bata ang mabakunahan at maprotektahan mula sa tigdas.