Inihayag ng Department of Health (DOH) na dapat umanong iprayoridad ng publiko ang pagbabakuna laban sa lumalalang bilang ng kaso ng COVID-19.
Kasunod ito ng sinabi ng OCTA Research Group na natural vaccine ang Omicron variant kung saan, ang mga magpopositibo sa nasabing sakit ay magkakaroon ng antibodies na siyang magbibigay proteksiyon sa iba pang variant ng COVID-19.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, una nang inihayag ng World Health Organization na ang variant na Omicron ay nananatili paring virus at hindi isang natural vaccine.
Dagdag pa ni Vergeire, kung mas maraming transmission, ay mas lalong hindi maililigatsa sa nakakahawang sakit ang buong bansa.
Samantala, sinabi pa ni Vergeire na dapat maunawaan ng publiko ang kahalagahan ng bakuna upang maproteksiyonan at mailayo sa nakakahawang sakit ang bawat isa. —sa panulat ni Angelica Doctolero