Mayroong mabuting idudulot ang Covid-19 vaccine para sa mga kabataang nababakunahan nito.
Ayon kay Dr. Maria Wilda Silva, dating national immunization program manager ng Department of Health, nababawasan ang risk ng mga bata na magkaroon ng myocarditis at multisystem inflammatory syndrome o mis-c.
Ang myocarditis ay 4 hanggang 8 times na mataas para sa mga unvaccinated kumpara sa ibang edad at 10 times na mataas para ma-ospital.
Kapag nabakunahan, bumababa ang banta ng myocarditis at pamamaga ng puso sa isa hanggang 200,000 populasyon.
Common ito para sa mga lalaking edad 12 hanggang 29. —sa panulat ni Abby Malanday