Naghahanda na ang Department Of Health para sa pagtuturok ng ikatlong dose ng COVID-19 vaccine, partikular sa healthcare workers, matatanda at persons with comorbidities.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, agad nilang sisimulan ang pagbabakuna ng third dose sa oras na maglabas ng emergency use authority ang Food and Drug Administration.
Kailangan anyang ma-amyendahan ang EUA upang makapag-umpisa na ng vaccination ng third dose para sa mga piling sektor.
Maglalabas din ang DOH ng guidelines sa pagbabakuna sa mga immunocompromised.
Samantala, nilinaw naman ni Vergeire na hindi lahat ng comorbidities ang kabilang sa listahan ng immunocompromised.—sa panulat ni Drew Nacino