Magsisimula ng ilunsad ng Israel ang pagbibigay ng ika-apat na dose ng bakuna kontra COVID-19 sa mga edad 60 pataas, medical workers at mga may comorbidities.
Ito ang inanunsiyo ng Israel Prime Minister’s Office matapos irekomenda ng COVID-19 panel experts ang pagtuturok ng ika-apat na dose ng bakuna.
Makatatanggap ng karagdagang dose ng Pfizer ang mga indibidwal na naturukan na ng third dose, apat na buwan na ang nakakalipas.
Matatandaang mga mamamayan din ng Israel ang unang nakatanggap ng third dose ng bakuna laban sa nakamamatay na sakit.
Sa ngayon, 341 na ang naitatalang kaso ng bagong variant habang nasa 800 na ang suspected cases ng Omicron virus sa Israel. —sa panulat ni Joana Luna