Posibleng simulan ng bansa ang pagbabakuna ng additional doses kontra COVID-19 sa mga fully vaccinated na senior citizen at mga may comorbidities sa susunod linggo.
Sinabi ito ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. Matapos na makuha ang biniling higit isang milyong Moderna vaccine (1.3-M) ng gobyerno.
Aniya,nakikipagtulungan na sila sa National Vaccince Operations Center (NVOC) na pagsabayin na ang pagbabakuna upang tumaas sa isa punto lima ang mababakunahan.
Samantala, nag-anunsyo ang Department of Health (DOH) na magsisimula ang pagbibigay ng booster shots sa mga healthcare workers bukas, Nobyembre 17. —sa panulat ni Airiam Sancho