Aprubado na ng Department Of Health ang pagtuturok ng booster at third dose ng COVID-19 vaccine para sa mga healthcare worker at senior citizen ngayong taon maging sa mga eligible priority group sa taong 2022.
Nakasaad ang booster at additional shots sa Oktubre 13 recommendation ng Health Technology Assessment Councilor HTAC, na kalauna’y inaprubahan ni Health Secretary Francisco Duque III.
Alinsunod sa rekomendasyon, ibibigay ang booster sa healthcare workers at senior citizens sa ika-4 na quarter ng taon, basta’t fully vaccinated na ang mga ito sa nakalipas na anim na buwan.
Isinulong din ng HTAC ang boosters sa susunod na taon para sa eligible groups,sa oras na umabot sa 50% ang makakumpleto ng bakuna sa A1 hanggang A5 priority groups.
Sa kabila nito, hindi pa malinaw kung kailangan pang dumaan sa approval ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing rekomendasyon.—sa panulat ni Drew Nacino