Magsisimula na bukas ang pagtuturok ng COVID-19 vaccine booster sa mga health worker at senior citizen sa Baguio City.
Tiniyak ni mayor Benjamin Magalong na may sapat na supply para sa booster shots at bakuna para sa mga edad 12 hanggang 17 na nais magpaturok.
Sa datos ng baguio LGU, nasa 253,500 eligible adult population na ang tinurukan ng 1st dose ng bakuna kontra COVID-19 habang 202,700 ang fully vaccinated.
Nasa 15,735 naman mula sa mahigit 42,00 targeted pediatric population ang nabigyan na ng 1st dose.—mula sa panulat ni Drew Nacino