Posibleng simulan na sa ikalawang linggo ng Disyembre ang pagtuturok ng booster shots sa general population.
Ayon kay National Task Force against Covid-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., sa oras na maamyendahan ng Food and Drug Administration ang Emergency Use Authorization (EUA) ng mga gagamiting bakuna, ay maaari nang umpisahan ang pagbibigay ng booster shots sa December 10 o 15.
Binigyang diin ng kalihim na kailangan nang makumpleto ang “chain of protection” ng mga nakatanggap ng dalawang doses sa nakalipas na anim na buwan, lalo at hindi pa batid kung gaano katindi ang epekto ng bagong variant ng Covid-19 na Omicron. —sa panulat ni Hya Ludivico