Inihayag ng World Health Organization (WHO) na malaking tulong para mawakasan ang Global Health Emergency ng Covid-19 ang pagbabakuna sa mga nasa A1 at A2 category group partikular na ang mga senior citizens, may mga comorbidity, at mga medical workers.
Ayon kay WHO Covid-19 technical lead Dr. Maria Van Kerkhove, nasa mahigit 8k indibidwal ang nasawi noong nakaraang linggo na nagpapakita na kailangang maitaas pa sa 30% ang vaccination rate ng populasyon ng mundo, partikular na sa mga mahihirap na bansa.
Sinabi ni Kerkhove, na target ng WHO na wakasan ang lumalalang kaso ng Covid-19 sa bansa bago matapos ang taong 2022 kung saan, nakatutok ang kanilang organisasyon sa Global Strategic Preparedness and Response Plan.
Iginiit ni Kerkhove, na marami nang bansa ang nakontrol na ang Covid-19 at naibaba narin ang bilang ng mga nasawi kaya hindi malayong magawa din ito ng Pilipinas.