Nagsimula na ang pagtuturok ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Pfizer sa ilang lungsod sa Metro Manila.
Ilan sa mga naunang lungsod na umarangkada na sa bakunahan ay ang San Juan City na ngayon lamang araw ay nakapagbakuna ng unang dose ng Pfizer COVID-19 vaccine sa 198 katao.
Kaugnay nito, nagsimula na rin ang pagbabakuna sa Makati at nilinaw ng Makati Health Deparment na hindi maaaring mamili ng brand ng bakuna.
Matatandaang unang ipinamahagi ang unang suplay ng Pfizer COVID-19 vaccines sa Metro Manila, Cebu City, Davao City at Quirino province dahil ito ang mga lungsod na may cold storage facility na required para sa bakuna.
Samantala, batay sa pinakahuling tala ng Department of Health, nasa 2,539,693 na ang nabakunahan vs. COVID-19 sa bansa.