Muling hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19, na isa anyang hakbang patungo sa pagbabalik-normal ng sitwasyon.
Ibinabala ng Pangulo na kung magmamatigas pa rin ang karamihan ay maaaring mapilitan ang gobyerno na gumamit ng police power upang puwersahin ang mga mamamayan na magpaturok.
Para naman sa mga kawani ng pamahalaan na tatangging magpabakuna, dapat anyang lumayas na lamang ang mga ito sa gobyerno.
Samantala, bagaman aabot na sa 20.3 milyon ang mga bakunadong Pilipino, aminado si Pangulong Duterte na maaaring abutin pa ng ilang taon bago bumalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao.—sa panulat ni Drew Nacino