Ikinadismaya ni Department of Interior and Local Government o DILG ang hindi pagsunod sa priority list ng pagbabakuna ng aktor na si Mark Anthony Fernandez.
Ito’y matapos maturukan ng bakuna kontra COVID-19 sa Paranaque City kahit wala ito sa listahan ng priority list.
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, dapat sinusunod ang mga nasa priority list na nasa ilalim ng vaccination program ng gobyerno.
Dagdag pa ni Densing, mananagot si Paranaque City Mayor Edwin Olivarez sa nangyaring pagbakuna sa aktor na wala sa listahan ng mababakunahan.
Sa ngayon, inuuna pa ring mabakunahan ang mga health care workers dahil limitado lamang ang mga bakunang dumarating sa bansa.— sa panulat ni Rashid Locsin