Nanawagan si Senior Citizen Partylist Representative Rodolfo Ordanes sa mga matatanda na nakatanggap na ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19 na huwag kalimutan ang second dose nito.
Ayon kay Ordanes, ito’y batay na rin sa datos na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) na kabilang ang sektor ng mga senior citizens na hindi nakapagpaturok ng second dose ng COVID-19 vaccine.
Dagdag pa ni Ordanes na napakahalaga ng pagiging full vaccinated para makatulong sa muling pagpapasigla ng ekonomiya ng bansa.
Kasunod nito, umapela si Ordanes sa pamahalaan na payagan na ang paglabas ng mga matatanda na nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna laban sa virus.