Target ng gobyerno na mabakunahan ang anim na milyong kabataan hanggang sa katapusan ng taon.
Ito, ayon kay Department Of Health Usec. at National Vaccination Operations Center Chairperson Myrna Cabotaje at aniya’y sa ngayon ay binabalangkas na ng ahensya ang guidelines para sa pagbabakuna sa mga kabataan na nakatakdang simulan sa Oktubre 15.
Sinabi pa ni Cabotaje na magkakaroon sila ng stakeholder consultation ngayong weekend at posibleng ilabas sa susunod na linggo ang mga panuntunan para dito. —sa panulat ni Hya Ludivico