Tuloy ang pediatric vaccination sa bansa sa kabila ng inihaing petisyon na humihingi ng Temporary Restraining Order (TRO) upang mag-alinlangan ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Ayon kay Department of Health (DOH) Usec. Rosario Vergeire, kasalukuyan nang sinusuri ang natanggap na kopya ng petisyon.
Agad namang dumipensa ang kagawaran at iginiit na ngayong mayroon nang bagong bakuna, mahalaga na magtulungan ang lahat at huwag magpadala sa mga petisyon.
Lahat aniya ng bakunang ginagamit sa bansa ay ligtas at epektibo, lalo na ang mga bakunang para sa edad 5hanggang 11.
Dadaan sa proseso ang petisyon at ang pamahalaan ay susunod sa magiging desisyon ng korte.
Una nang sinabi ng National Vaccination Operation Center (NVOC) na magpapatuloy ang pediatric vaccination, at hahayaan ng pamahalaan ang korte na magdesisyon dito. —sa panulat ni Abby Malanday