Pinag-aaralan na ng pamahalaan na simulan ang pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa general public sa susunod na buwan.
Sa Talk to the People, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa buwan ng Oktubre ay nais niyang wala nang pipiliin kung sino ang dapat na maunang mabakunahan, maliban na lamang sa mga senior citizen at mga may kapansanan na dapat na mabigyan ng prayoridad sa pila.
Lahat aniya ng mga kabilang sa adult population na nais nang magpaturok ng bakuna ay maari nang magtungo agad sa mga vaccination sites.
Sa kabila nito, binigyang diin ng pangulo na kailangang isaalang-alang ang kapakanan ng mga mahihirap at walang kakayahang magpabalik-balik sa mga vaccination centers sa bansa.