Pinagtanggol ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pinaigting na pagbabakuna ng pamahalaan kontra COVID-19 sa mga highly populated areas o ‘yung mga matatao lugar.
Sa isang pahayag, sinabi ni Concepcion na ang pagtugon ng pamahalaan sa NCR plus 8 ay may kaakibat na economic considerations.
Mababatid na ang economic considerations sa mga nabanggit na lugar ay ang paglago o paghina ng gdp o gross domestic products na may malaking epekto sa ekonomiya.