Naging matagumpay ang layunin ng Philippine National Police na mabakunahan ang nasa 70 hanggang 100 porsyento ng mga pulis sa Metro Manila.
Ayon sa PNP, umakyat na sa 213,647 o siyamnaput anim na porsyento ang nabakunahan sa kanilang hanay.
Ayon kay Deputy Chief for Administration at Ascoft Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, 147,097 o 66.05% na ang fully vaccinated sa kanilang ahensya habang nasa 66,550 o 29.88% naman ang nabakunahan ng first dose ng bakuna.
Sa ngayon, patuloy pang hinihikayat sa pagpapabakuna ang iba pang mga pulis para magkaroon ng proteksiyon laban sa COVID-19. —sa panulat ni Angelica Doctolero