Binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang ika-9 na vaccination hub nito bilang bahagi ng laban kontra COVID 19.
Pinangunahan mismo ni Taguig City Mayor Lino Cayetano ang pagpapasinaya ng ika-9 na COVID 19 vaccination hub ng lungsod sa Venice Grand Canal Mall sa Fort Bonifacio.
Giit ng Alkalde, malaking tulong aniya ito upang mapalakas at mapataas ang kapasidad ng mga vaccination hubs sa Lungsod.
“ Iyung dalawang ito kakayanin na 400, 400 ibig sabihin walong daan ang papasok dito araw araw, in one month, 24 thousand people will be vaccinated here … yung other malls po vista mall, sm, ayala, lahat ho ng malls sa lungsod ng taguig have also volunteered there facilities to be vaccination hubs” wika ni Cayetano.
Sa ngayon, may 4 na Mega Vaccination Hubs ang Taguig sa mga Mall at 4 ding Community Hubs naman sa mga Paaralan.
Tiniyak din ni Cayetano na accessible ang mga vaccination hubs ng lungsod upang madali rin lalo na sa mga Senior Citizen ang makapunta.
Base sa datos ng Taguig City Local Government Unit (LGU), umabaot na sa 54,287 residente mula sa A1 (medical front-liners); A2 (senior citizens) at A3 (persons with comorbidities) ang nabakunahan na hanggang Mayo 18, 2021.
Mula Hunyo 1, 2021, target naman ng Taguig City LGU na makapagbakuna ng 5,600 kada araw upang pagdating ng Nobyembre o Disyembre, bakunado na ng 2 dose ang lahat na ng residente sa Lungsod.