Hinimok ng Philippine Pediatric Society (PDS) at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) ang gobyerno na tapusin muna ang vaccination ng adult population bago bakunahan ang mga menor-de-edad.
Ayon sa PPS at PIDSP, dapat ding ikonsidera ang suplay ng bakuna at grupo ng mga may comorbidities.
Bago anila ikonsidera ang pagbabakuna sa mga edad 12 pataas ay dapat munang makamit ang sapat na bilang ng mga bakunado sa mga priority adult group.
Maaari namang simulan ang vaccine rollout sa mga lugar na may mataas na transmission rate sa mga batang nasa ilalim ng A3 o may comorbidities at A1 category o mga anak ng mga frontliner.—sa panulat ni Drew Nacino