Sisimulan na sa buwan ng Agosto ang pagbabakuna sa lahat ng mga adult Filipino.
Ito, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, ay kapag naging sapat na ang suplay ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Galvez na halos 9-milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa iba’t ibang manufacturer ang inaasahang darating ngayong buwan bukod pa sa 50,000 doses ng bakunang gawa ng Moderna na binili ng pribadong sektor.
Dahil dito, tiniyak ni Galvez ang pagbakuna sa 19-milyon hanggang 25-milyong indibiduwal para maabot ang aniya’y population protection.
Target din ng gobyerno na masimulang mabakunahan ang economic frontliners na A4 category at indigents o A5 category sa kalagitnaan ng buwang ito.