Maaari ng bakunahan kontra COVID-19 ang mga edad 12 hanggang 17 kung makakamit ang 50% population protection treshold.
Ito ang nilinaw ni Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez makaraang dumating sa bansa ang nasa tatlong milyong doses ng biniling Sinovac vaccines ng gobyerno mula China.
Ayon kay Galvez, ipipresenta nila sa Inter-Agency Task Force kung paano ang magiging sistema ng posibleng pagbabakuna sa mga menor de edad sa oras na maabot ang target na 50% ng populasyon.
Una nang inirekomenda ng opisyal na bakunahan sa kalagitnaan ng Oktubre ang mga menor de edad na mayroong comorbidities at anak ng mga health care workers bilang prayoridad.
Aabot sa 12 milyong minors ang inaasahang mababakunahan sa pagdating ng 20 milyong bakuna sa unang linggo ng Oktubre. —sa panulat ni Drew Nacino