Tiniyak ng Philippine Pediatric Society (PPS) at ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) sa mga magulang ang pagiging epektibo at mabisa ng mga bakuna kontra COVID-19, para sa mga kabataang edad lima hanggang labing-isa.
Batay sa isinagawang pivotal vaccine trial sa nasabing age group, naging epektibo ang bakuna na 90.9% na pumipigil upang maging symptomatic sa COVID-19.
Wala namang naitalang adverse event o pagkasawi matapos ang pagbabakuna.
Ilan sa kadalasang epekto ay ang pananakit sa injection site, pagkapagod at pananakit ng ulo na maituturing namang normal.
Nitong Biyernes ng gabi dumating ang unang batch ng Pfizer COVID-19 vaccines sa bansa para sa roll-out nito sa Lunes, Pebrero a-7. —sa panulat ni Abby Malanday