Tinututukan na ni Philippine Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang mandatoryong pagbabakuna sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4ps ng gobyerno.
Sa isang panayam sinabi ni Galvez na marapat ng isabay ang pagtuturok ng bakuna sa pamimigay ng ayuda sa mga tatanggap ng 4ps.
Para kay Galvez isa itong solusyon upang matugunan ang hesitancy o pag-aalangan sa pagpapabakuna.
Paliwanag ni Galvez, walang maiuuwing tulong mula sa gobyerno ang sinomang ayaw magpabakuna,
Kahapon, ika-tatlo ng Nobyembre naitala ang pinakamababang kaso ng COVID-19 kung saan, pumalo lamang sa 1,591 ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa datos na inilabas ng Department Of Health.—sa panulat ni Joana Luna