Kailangan mabakunahan muna ang mga student-athlete bago isabak sa anumang pagsasanay at kumpetisyon.
Ito’y para mabigyang proteksiyon ang mga student athlete bago isabak sa anumang lalahukan na kompetisyon.
Ito ang binigyang diin ng Commission on Higher Education o CHED Chairman Popoy De Vera, naghahanda na umano sila sa pagbabalik ng collegiate sports league nuon pang nakaraang taon.
Aniya, wala silang pag-aalangan sa pagbabakuna sa mga kabataan kung saan umaasa pa ang CHED na maibigay ang bakuna sa mga mag-aaral.
Ayon kay De Vera, parte ito ng vaccination of student-athletes na inilunsad ng CHED na may temang “padyak para sa flexible learning: sama-samang vaccination program
Bukod kay De Vera, dumalo din sa naturang programa nina Senador Sherwin Gatchalian, National Task Force for COVID-19 Secretary Carlito Galvez, Jr., CHED Executive Director, Cinderella Filipina Benitez-Jaro, at University Athletic Association of the Philippines o UAAP Season 84 President Emmanuel Calanog.