Napagkasunduan ng Department of Education (DepEd) at National Task Force Against COVID-19 na pabilisin ang pagbabakuna sa mga guro at personnel kasabay ng pagbabalik ng face-to-face classes.
Ayon kay DepEd Director Roger Masapol mayroon ng framework para sa vaccination program ng mga school staff.
Sa unang phase, magsisimula ang bakunahan sa 59 mga paaralan na inaprubahan ng Department of Health na magsagawa ng face-to-face classes at mga nominadong paaralan sa NCR.
Magpapatuloy naman ang bakunahan sa nalalabing 638 schools na inirekomenda ng DepEd Regional Offices at isusunod dito ang bakunahan sa mga guro at mga personnel sa buong bansa. —sa panulat ni Hya Ludivico