Pagtutuunan ng pamahalaan ang pagpapabakuna sa mga guro at school personnel upang muling maisagawa ang face to face classes.
Sinabi ni IATF Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr., na napag-usapan nila ito kasama ang Department of Education o Deped at Commission on Higher Education o CHED upang makakabuo ng tinatawag na ring immunity para sa mga mag-aaral na papasok sa paaralan.
Aniya, planong simulan ang pagbabakuna sa mga guro bago matapos ang Setyembre o sa susunod na buwan.
Tiwala naman si Galvez na muling maisasagawa ang in-person classes sa bansa.
Una nang sinabi ng Malacañang na bukas na si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad na pagdaraos ng face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico