Target ng national government na matapos ang pagbabakuna sa mga health workers kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buwan ng Mayo.
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., nagsimula nang magroll-out ng suplay ng bakuna sa ilang bahagi ng ospital sa bansa.
Pipilitin aniyang matapos ang lahat ng health care workers sa mga ospital ngayong buwan ng Mayo at sisimulan sa Abril ang vaccination program sa ibang sektor.
Dagdag ni Galvez, naglaan na ng 1.1-milyong doses ng bakuna para sa health care workers kasama ang 500,000 doses mula sa Covax at 600,000 doses na donasyon ng gobyerno ng China.
Magugunitang inilabas ng Malakanyang ang priority list para sa vaccination program, kung saan una sa listahan ay ang mga health care workers, susundan ng mga senior citizen na may edad na 60 pataas, frontline personnel at indigent population. na sinabi ng WHO mula sa AstraZeneca hanggang sa buwan ng Mayo.