Sisimulan na ngayong araw ng Caloocan City government ang vaccination kontra COVID-19 sa mga mahirap na residente o A5 priority group.
Ayon sa Caloocan City Public Information Office, 500 slots ang inilaan sa Caloocan City North Medical Center; 2,000 sa Caloocan City Sports Complex at 300 sa Metro Plaza Quirino na pawang nasa North Caloocan.
Sa South Caloocan naman, tig-500 slots ang available sa Caloocan Central Elementary School at Caloocan City Medical Center habang 1,000 sa SM Sangandaan Cinema Complex.
Kailangan lamang magdala ang mga magpapabakuna ng 4Ps ID, valid ID o cedula, sariling ballpen at dapat naka-face mask at face shield. — Sa panulat ni Drew Nasino.