Posibleng umarangkada ang pagbabakuna sa mga kabataan sa huling bahagi ng taon.
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje
Ayon kay Cabotaje, tinitingnan ng Department of Health (DOH) kung maraming darating na suplay ng bakuna sa bansa.
Dagdag ni Cabotaje, maaaring sa katapusan o sa unang bahagi ng 2022 makikita kung pwede ng mabakunahan ang mga kabataan.
Magugunitang inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagtuturok ng COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech sa mga batang nasa 12 hanggang 15 taong gulang matapos maamyendahan ang kanilang Emergency Use Authorization (EUA).
Gayunpaman, hindi pa ito gada agad maibibigay sa mga bata dahil na rin sa kakulangan sa suplay ng bakuna.
Samnatala, umaasa ang Pilipinas ng karagdagang doses ng bakuna mula sa Pfizer sa ikatlong bahagi ng taon habang madadagdagan pa ito ng 32.5 milyong doses sa ikaapat na bahagi ng taon.