Kasado na bukas, Pebrero a-7 ang vaccination roll-out para sa mga kabataang edad lima hanggang labing-isa kontra COVID-19.
Kasunod ito ng pagdating nitong Biyernes ng nasa 780,000 doses ng reformulated na bakuna ng Pfizer.
Sa inilabas na pahayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., ligtas at mabisa ang bakuna para sa mga kabataan sa kabila ng concern ng kanilang mga magulang.
Natutuwa naman si Galvez na sa pamamagitan ng pagbabakuna ay magsasama-sama na ang pamilya sa paglabas ng tahanan.
Habang posible na ring payagan ang paglalaro at pagkakaroon ng face-to-face learning.
Tinatayang nasa 160,000 kabataan sa Metro Manila ang rehistrado sa Pediatric Vaccination. —sa panulat ni Abby Malanday