Walang napaulat na side effects sa unang araw nang pagbabakuna sa mga kabataang may comorbidities.
Ayon ito kay Dr Gloria Balboa, Director ng DOH NCR matapos ang aniya’y maayos na pagsisimula kahapon ng vaccination program para sa mga may edad 12 hanggang 17.
Ipinabatid ni Balboa na nasa 1, 151 ang mga kabataang nabakunahan sa unang araw nang pagbabakuna sa mga kabataan.