Tiniyak ng Palasyo na mabibigyan din ng bakuna kontra COVID-19 ang mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque na walang dapat ikabahala ang ibang lugar dahil ang aniya’y pagkakaroon ng focus area ay hindi naman ibig sabihin na hindi na makakakuha ng bakuna ang iba pang lugar sa bansa.
Mababatid kasi na 58% sa kabuuang bilang ng mga bakuna na mayroon ang bansa ay naibigay na sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.
42% naman ang ipapadala sa National Capital Region, Cebu at Davao, maging sa anim pang mga probinsya.
Magugunitang nanawagan ng league of provinces of the Philippines sa pamahalaang nasyonal na magpadala ng mas marami pang mga bakuna kontra COVID-19 sa mga probinsya sa bansa.
Sa kabila nito, paliwanag ni Roque na ayon sa mga eksperto magkakaroon lamang ng halaga ang vaccination program oras na maturukan na ang 35% ng ating populasyon na malinaw aniyang hindi pa naaabot.