Itinigil na ng Quezon City LGUs ang “QCProtektodo” Covid-19 Vaccination Program sa mga mall tuwing weekend.
Ayon sa QC Government, inalis na ang pagbabakuna sa mga nasabing establisyimento ngayong buwan.
Sinabi ng lokal na pamahalaan na kanilang iaanunsiyo sa Official FB Page ang schedule at lugar para sa mga babakunahan o mga indibidwal na gustong makuha ang kanilang inisyal at pangalawang doses ng COVID-19 vaccine, at mga booster shot.
Nilinaw naman ng lokal na pamahalaan ng lungsod na kailangan munang magparehistro at mag-book ng kanilang mga schedule online at kailangang magpakita ng government issued identification cards para sa pagbabakuna.
Nito lamang Martes, kabuuang 6,721,153 indibidwal na ang nabakunahan laban sa COVID-19.