Isasabay na ng pamahalaang lungsod ng taguig ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 12 hanggang 17 anyos, may comorbidity man o wala.
Ayon kay Taguig city mayor Lino Cayetano, layunin nitong maabot agad ang target population protection para sa mga menor de edad bago matapos ang taon.
Bukas ang Medical Center Taguig para sa pagbabakuna ng mga menor de edad na may comorbidities mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.
Habang sa Lakeshore Hall sa lower Bicutan naman dapat magpunta ang mga menor de edad na walang comorbidities para sa kanilang pagbabakuna sa parehong oras.
Gayundin sa Bonifacio High Street na bukas mula alas-11 ng umaga hanggang ala-7 ng gabi Lunes hanggang Biyernes.
Mahigpit namang ipatutupad ng lokal na pamahalaan ang no walk-in policy sa mga nais magpabakuna.